Ipinaskil ni: Chico noong: Setyembre 25, 2008
Mahal ko ang babaeng naghihintay sakin sa tuwing uwian, ang babaeng kumaya sa kagagohan ko noon pa at ang babaeng indi lumalabas ng pintuan para layuan ako sa tuwing nag aaway kami at galit siya. Ang babaeng palagi nalang nagsasakripisyo para sakin at umiiyak pag indi na niya kaya ginagawa ko. Indi ko maisip sarili ko katabi ng taong indi ko kilala …
— El Bitcho Maldito, Pokpok
Nabasa ko ang entry ni El Bitcho Maldito sa kaniyang blog, at bigla kong naalala ang aking nakaraan … noong virgin pa ako (virginity ng mga kamay ko), hanggang sa mawala na ito.
Wala si Papa noon at wala din ang nanay ko dahil nasa Amerika na sya.
Ako lamang ang laman ng aming bahay na gawa sa kahoy. Kasabay kong nakikinig sa palabas na telebisyon ang apat na dingding namin, at ang unan na aking dantayan nang siya ay pumasok.
Pansin ko ang hubog ng kaniyang katawan at markado sa aking isipan hanggang ngayon ang kulay ng kaniyang balat. Gustong gusto ko ang gupit ng kaniyang buhok. Bagay sa kaniya. Tinuring ko siyang nakatatandang kapatid.
Siya ang unang nagbigay ng motibo. Pinahawak niya sa akin ang kaniya, at nilaro rin niya ang sa akin. Hindi ko alam kung bakit nagustuhan ko iyon ang gawaing iyon. At hinanap hanap ko pa.
Halang masakit at masarap na naganap sa akin. Ginagawa ko lang ang pinapagawa niya. Kahit na siya pa itong binabayaran ng aking ama para siyang gumawa para sa amin — gawaing bahay.
Damang dama ko sya sa aking palad. Hanggang sa marinig ko sa kaniya ang ungol na dalawang dekada nang umaalingawngaw sa aking pandinig at isipan.
Binata sya noon.
Anim na taon ako noon.
Siya ang aking noon.
Siya ang patuloy na inaalpasan ng aking ngayon.Namumuhi ako, sa kaniya, sa aking sarili, sa tuwing maaalala ko ang mga panahong iyon.
Kung tuwid at totoo ang nabasa ko sa blog ni Maldito, natutuwa ako sa kaniya at sa kaniyang minamahal. At kung ang kwento niyang “Pokpok” ay bahagi lamang ng kaniyang malayang pag-iisip at panulat, nawa ay magnilay ang nakababasa ng nilalaman noon at nito.
Setyembre 26, 2008 Sa 9:48 umaga
it takes courage to write a post such as this… three thumbs up..;p